BAKIT KA BA NARITO? BAKIT KA BA PATULOY NA HUMIHINGA? BAKIT KA PA NAGIGISING SA UMAGA? ANO NGA BA HALAGA MO? IKAW, WHAT IS YOUR PURPOSE?
LAHAT TAYO AY PATULOY NA TUMATAHAK SA LANDAS NG BUHAY. PATULOY NA NAKIKIBAKA. KARAMIHAN SA ATIN AY NAKALINYA NA ANG ARAW ARAW NA TAKBO. MARAMI RIN NAMAN SA ATIN ANG MINSAN AY LUMILIHIS ANG LANDAS NG PAROROONAN. WE ALL USUALY JUST MIND OUR OWN BUSINESS, DOING WHAT WE WANT TO DO. BAHALA NA KUNG SAAN TAYO DALHIN NG MGA DESISIYON NATIN SA BUHAY.
MABILIS ANG IKOT NG MUNDO. I AGREE WITH YOU NA KAILANGAN NATING SUMABAY. SINO NGA BA ANG GUSTONG MAPAG-IWANAN? AKO, AYOKO! KAYA NAKA-FOCUS TAYO SA MGA SARI-SARILI NATING RACE TRACK.
PERO NASUBUKAN MO NA BANG MINSAN AY PANANDALIAN KANG HUMINTO? LUMINGON SA IYONG PALIGID?
NAPANSIN MO BA SI ATE SA BANDA DOON NA NUKNUKAN NG LUNGKOT? PARANG ANYTIME AY PATAKBONG SASALUBUNGIN ANG HUMAHARUROT NA BUS. O DI KAYA E ETONG SI KUYA SA IYONG KALIWA NA MASIGLANG KINAKAUSAP ANG KANYANG SARILI? O YUNG BATANG IYON SA GILID NG BUILDING NA NAMIMILIPIT SA GUTOM?
ANDAMI NATING EXCUSES SA BUHAY. SA MGA NANGYAYARI SA ATING KAPALIGIRAN. ANDALI NATING HUMUSGA.
"YANG SI ATE TATANGA TANGA AT NAGPAUTO KAY DUDONG."
(PARA KA LANG CHISMOSA AT ALAM MO ANG NAMAGITAN SA KANILA NI DUDONG)
"YANG SI KUYA, BAKIT BA PAKALAT-KALAT YAN? ASAN BA ANG PAMILYA NYAN? NAKADIRI DITO E."
(WAG KANG SUSYAL DAHIL MAGKAPITBAHAY TAYO SA SQUATTERS AREA)
"YUNG MAGULANG NG BATANG YAN AANAK-ANAK DI NAMAN PALA KAYANG BUHAYIN."
(WAG MAGMALINIS ATE DAHIL 13 PA LANG AY HINDI KA NA VIRGIN AT IKAW KUYA PASS TIME MO SA PANANGHALIAN AY HINDI EAT BULAGA KUNDI PORN SA INTERNET)
YAN LANG BA ANG KAYA NATING GAWIN? ANG HUMUSGA? ANG IPAGKIBIT BALIKAT ANG NAKALULUNOS NA PANGYAYARI SA PALIGID NATIN. ANG SWERTE MO ATE. ANG YABANG MO KUYA. BUKOD KANG PINAGPALA. PASALAMAT KA'T DI IKAW YAN. KUNG SAKALI, BAKA DI MO KAYANIN AT MAUNA KA PA SA KANILANG SUMUKO. MAY YOU REST IN PEACE.
SINO BA TAYO PARA HUMUSGA? SINO NGA BA ANG DAPAT HUSGAHAN? SILA O TAYO?
AKO, KUNG HINDI MAN LAGI, MADALAS KONG TINATANONG ANG AKING SARILI. ANO BA ANG KAYA KONG GAWIN? WHAT IS MY PURPOSE?
SA NGAYON AY NANANATILI PA RIN ITONG TANONG? AKO MAN AY NAGHIHINTAY KUNG KAILAN HINDI KO NA KAILANGANG TANUNGIN ANG SARILI KO.
DAHIL MUKHA LANG AKONG BALIW. KASI SUMASAGOT ANG AKING SARILI SA BAWAT TANONG NI AKING SARILI. GIGIL PA MINSAN. MADALAS SA HINDI AY NAG-AAWAY PA KAMI. KAYA TIGILAN NATIN ITO BAGO PA AKO MAPAGKAMALANG ADIK.
No comments:
Post a Comment