Monday, August 1, 2011

SEX FOR BREAKFAST


Is there anything better than to wake up in the morning and have sex for breakfast?



Oo, I had sex for breakfast. Parang ganito lang sa picture.
But before I tell you the gory details, simulan natin sa simula:

Last Thursday I went to the city. Oo tama ka na naman. I went to the city kasi nasa gitna ng disyerto ang bahay ampunan ko. Malayo nga ako sa kabihasnan kaya wag ka ng manlait, aminado ako. I have to travel 1 and a half hour. Walang traffic yun ha. Para lang from Balintawak to Laguna. Malapit lang, kung naka Qatar Airways ka.

Anyway, let’s get back on track. Para lang tong foreplay before the main event.


Yun nga, I went to the city to meet up with my firends. Mga alas tres siguro ng hapon ng dumating ako sa bahay ng mga kaibigan ko. This flat is being shared kasi tirahan yun ng mga walang pera at di kayang umupa ng sarili nilang bahay. (Naririnig ko na ang malakas na dagundong ng pagsasalubong ng kilay ng kaibigan kong kulot.)


Pagdating ko sa flat, very accommodating ang mga alipores. Very warm ang welcoming committee. Very warm as in pinadiretso na nila ako sa mainit nilang kitchen (palagay kaya kayo ng AC sa kitchen nyo) para magluto ng spaghetti. (Ito yung spaghetti na ipapakain ko dun sa nag-comment sa una kung entry sa blog na to.) 

Very friendly ang mga friends ko no? Di man lang ako pinaupo bago ako alilain. Para lang akong aliping sagigilid na nagsisilbi sa mga maharlika.

Baka mainip kayo sa step 1 to 107 ng paghihiwa at pagluluto kaya…….
Fast Forward >>>>

So naluto na ang napakasarap kong spag sa pangunguna ni Ms. D, at ng kanyang mga alalay na si Ms. C at Mr. N.  Parang mga celebrity ang pangalan no? Pero wag nyo ng adhikain na makita sila at baka ma-disappoint lang kayo dahil true to their celebrity names ay may celebrity attitude din yang mga yan. Hayaan na nating manatiling mga letra na lamang sila ng alpabetong Pilipino.

At naglamunan na nga ang mga hampas-lupa. Ulam sa spag e inihaw na bangus at siomai. Syanga pala mga friends, nakalimutang nyong sabihin na masarap ang luto. Buti pa ang kaibigan kong kulot at si Ms. M at sa pagpupursige kong purihin nila ako ay nagbunga naman ang aking paghihirap, I think. Masarap daw sabi nila, pero di ko masyadong naintindihan dahil kung lumamon ang mga babaeng ito ay di nag-iiwan ng space sa bunganga nila para sa air. Inimagine ko na lang na”masarap”ang sabi nila.


After eating too much, inihanda na ang mesa para sa tagayang walang humpay. Puti ang alak. Hindi tuba ha, bawal lang sabihin ang uri dahil baka bukas e mag-travel na naman ako ng isa’t kalahating oras. This time papuntang airport.
  
Ang mga tomador at tomadora ng Doha ay di nakontento sa isang bote, hindi sa dalawa. Umorder pa ng isa. Parang pizza lang, if you don’t get your bottle in 30 minutes you’ll get the next one free. Ang delivery ng free bottle ay one year after your first order.

Sa mga tagayang Pinoy di mawawala ang kantahan, tawanan, alaskahan, konting harutan, konting kiss sa banda dyan, sa bando doon, at sa dako pa roon. Andyan ang bugbugan tanda ng marubdob na pagkakaibigan. Konting batuhan ng bote sapagkat masaya kayong magkasama. Pero all in all natapos naman kami na lahat ay in one piece. 

At nakatulog na ako sa gitna ng kaguluhan sa paligid. Nagising na lang akong walang saplot…. O, sobra kang mag-react! May damit ako ng magising unfortunately. Masakit lang ang katawan ko. Di ko alam kung bakit. Bakit nga ba kaibigan kong kulot? Anong kahalayan ang ginawa mo sa mura kong katawan? Joke lang! Dumadagundong na naman ang kilay mo.


And this is where the sex for breakfast begins, when I woke up na may damit. Ang mga nanay kong si Ms. M at Ms. Kulot at ang batang Mama San na si Ms. D. ay nag-me-meeting sa hapag-kainan ng tungkol sa sex. And it went on for hours. Hindi ko tuloy malunok ang lugaw. Minsan ay nabubulunan pa ako sa lugaw dahil sa mga naririnig ko, to think na lugaw na yun ha. (Ganon ka-gory ang details.) Inosente pa kayo ako. Mura pa ang aking isipan. Sa sobrang kainosentahan ko nga, di pa ko natutuli. Kaya calling all sponsor na gusto akong tulungang magpatuli. I am able and willing. Just call me at ****60**.

 Disaapointed ka no? Kala mo kung ano no? Oo, kwentuhan lang ang sex for breakfast. Malisyoso ka lang kaya nag-jump ka sa konklusyon na may kahalayan na magaganap. And besides, kung alang sex sa title di mo babasahin ito. Kilala kita. Tulad ka rin nila at ko na malibog. Excuse me for my French.

Anyway, kung gusto mo malaman ang sinabi ni Kaibigang Kulot o ni Ms. M o ni Ms. D, iwan mo lang ang iyong email address sa babang parte ng blog o ang iyong tanong sa comment page. Sisiguraduhin kung makarating ang inyong mga katanungan sa tatlong nabanggit. Bahala ka ng sumalo ng bala after. Good luck.

10 comments:

  1. HAY NAPATAWA NAMAN AKO SA BLOD NA ITO. PERO IN FAIRNESS, OKAY ANG WRITING MO HA. PUEDE KANG MAGING WRITER. PAG UMALIS KA SA WORK MO FOR SURE MAY PUPUNTAHAN KANG IBANG CAREER. PERO MASARAP TALAGA ANG GAWA MONG SPAGHETTI, GAWA KA ULIT HA.

    ReplyDelete
  2. @Lhot Kulot: Coming from you, this means a lot. Next putahe is Japanese and Chinese. Kaso magdadala na ako ng cook. madugo na un.

    ReplyDelete
  3. Ms. D said...

    Super like..Perfect.!!!! next time mas lalo mo pang galingan ha..napatawa tuloy ako ng malakas d2 sa office..na may halong luha to the max hahahaha...very nice..thanks sa Spag..sa uulitin...muaaah

    ReplyDelete
  4. @Ms. D: Ikaw na ang baliw! Dinaig mo pa si Ate Guy sa pagtawa habang lumuluha. Pasta with white sauce ang sunod.

    ReplyDelete
  5. Ms. C said : may hidden talent ka pla, ngayon ko lang nalaman..ahahhaah anyway buti nalang hindi mo nasama yung pagsuka ko..ahhahah thanks. ;p

    ReplyDelete
  6. @Ms. C: Don't worry kasama na yun sa next episode ng Sex for Breakfast.

    ReplyDelete
  7. @Anonymous: Marami pang mas masarap dito. Just have to come and try it.

    ReplyDelete