Thursday, July 28, 2011

PANGHALINA / PANG-AKIT

Paano ko nga ba sisimulan ang paglalahad?


Siguro simulan natin sa masigabong palakpakan para sa mga nagbukas ng blogspot na to at so far ay nakarating na sa mga salitang, "WELCOME SA IYO!".


Di ko alam kung meron ngang nagbukas na ng blog na to pero to make sure na meron, nag-post ako sa FB. Ang sabi ko, "Sa mga kaibigan ko, pakibuksan naman ng link, kung di mo bubuksan di kita kaibigan". Oo takutan na ito at kunsensyahan. Alangan namang mag-aksaya ako ng oras sa pagsusulat tapos sarili ko rin lang naman pala ang magbabasa. Sinarili ko na lang sana kung ganon habang ako ay naka-upo sa kubeta. Palagay mo?

At step two para may magbasa ay nag-post ulit ako sa FB. Ang sabi ko, "Sa mga katrabaho ko, pakibuksan naman ng link at kung hindi ay mag-uusap tayo ng matagal sa opisina pagdating ng payslip nyo para hanapin ang nawawala mong pinaghirapan na overtime". At syempre hindi ko sasabihin kung bakit di binayaran ang OT nya.

Dun naman sa ibang lahi na takot mawalan ng OT, well, mag-aral kayo magtagalog para hindi na rin ako nahihirapan mag-ingles at ipaliwanag na ang push ay hila at ang pull ay tulak or vice versa kung alin man ang tama.

At dun sa mga di ko friend, kamag-anak, o katrabaho at wala lang sa buhay ko, You won't be sorry for choosing to be part of my chaotic life.

Ano nga bang magkakaroon sa blog na to?


1. Layon nito na makarelate ka. Oo ikaw nga.

2. Mapukaw ang iyong damdamin, kung meron man at di ka yari sa bato o plastic tulad ng ibang kakilala ko dyan. Oo ikaw nga ang plastic at bato. Reklamo pa ito. (Ang manhid!)

3. Layon din nito na ma-touch ang buhay mo and effect a change to the way you see life. Yun e kung may future ka pa dahil kung wala useless naman na baguhin ko pa pananaw mo sa buhay e wala ka na ngang future. Asa ka pa!

Di ko ipapangako na nakakatawa ang blog na to dahil kung di ka matawa, sabihin mo naman ang corny ko. Ipagpaubaya na lang natin kay Babalu ang comedy (RIP).

Di ko rin sasabihin na madrama ang blog na to dahil pag di ka naluha sabihin mo naman trying hard ako. Unless bato ka nga na walang feelings. Hayaan na lang natin kay Ate Charo ang drama.

Di ko rin sasabihin na puno ng love story ang blog na to dahil pag di ka nain-love, may tama ka sa utak dahil ang cute ko kaya.

Sabihin na lang natin na isa ako sa friends mo na kwento ng kwento kahit ayaw mo namang makinig dahil sa walang kawenta-kwentang bagay ang pinagsasasabi. Pero no choice ka kasi kaibigan mo nga. Di ba friend? kaya hayaan mo na lang akong ngumawa at saka ka na lang umepal, OK?

Sige! Fine! Pwede ka na ring mag-comment sa mga post ko kahit hindi naman ako interesadong basahin yan. Kasi nga friend kita di ba? Kaya hahayaan kitang mag-comment.

Syanga pala dun sa mga mag-ko-comment sa post na to ay papakainin ko ng spaghetti na lulutuin ko sa bahay ni Lhot Kulot at may kasamang pampalamig na tequila.

Kampay!!! Cheers!!! Toma na!!!


8 comments:

  1. Ako rin ang nag-comment. Sabi ko na nga ba ako rin lang ang magbabasa neto e.

    ReplyDelete
  2. as posted, who ever comments first with this blog owe a spaghetti treat.. luckily i'm in dubai, cash is much appreciated dear! :D

    ReplyDelete
  3. @Anonymous: Kunyari di kita kilala para masabi ko naman na may nag-comment at bumasa ng una kong post na di ko kaibigan. Love you po anonymous.

    ReplyDelete
  4. wag kang magdamdam kc andito lagi ako nagmamhal sayo!especial ka sa listahan ng mga friends ko!<3

    ReplyDelete
  5. @la reina: Reyna ka nga. Ikaw na. ikaw lang. Bahala ka ng mag-fill-in-the-gap.

    ReplyDelete
  6. NOW KO LANG NABASA ANG BLOG MO, PERO NAUNA MO PA AKONG PAKAININ NG SPAGHETTI MO AT NALASHING PA AKO, HIK. KELAN ULIT TAYO MAGSASAYA, INIP NA AKO EH.

    ReplyDelete
  7. This Thursday or Friday. Labas na lang tayo pari di naman nakakahiya sa mga taong kasama mo sa bahay na walang perang pang-upa ng sarili nilang love nest.

    ReplyDelete