Thursday, July 28, 2011

LIGAYA ANG ITAWAG MO SA AKIN


 
Kailangan bang hanapin ang kaligayahan?

Pero pano mo hahanapin ang hindi mo alam kung ano. Kung meron ka mang ideya kung ano ang kaligayahan, paano mo hahanapin ang magpapaligaya sa yo kung di mo naman alam kung anong magbibigay sa iyo nito?





Paano mo nga ba masasabing maligaya ka?

Kapag ikaw ba ay hilo na sa tama ng alak na iniinom mo? Kapag nakabili ka ba ng bagay na hindi lahat ay kayang bumili? Kapag kasama mo ang mga taong napipilitang samahan ka dahil sa takot at kawalan ng choice sa sitwasyon? Kapag merong taong matatawag mong syota/girlfriend/katipan na di naman napupunan ang wala sa buhay mo maliban sa salitang syota? Kapag gumigising ka sa umaga dahil may trabaho kang papasukan kahit na paulit-ulit lang naman ang tagpo sa araw-araw?



So, mahalaga bang lumigaya kung lahat ng bagay sa buhay mo ay kailangan mong baguhin para makamit ito?

Ano nga ba ang LIGAYA? Isa lang ba itong salita sa dikyunaryo o nangyayari ba talaga ito sa totoong buhay at hindi kathang-isip lamang?








Post ko to sa FB Notes, nilagay ko na rin dito para magkaroon lang ng post.

No comments:

Post a Comment