Wednesday, August 10, 2011

SEPARATE WAYS



ANG TAGAL NA NATING MAGKAKILALA. TANDA KO PA NOONG UNA TAYONG MAGKITA.  NAGLALARO KA SA TAPAT NG AMING PAARALAN NOONG AKO AY KINDER PA. IKAW NOON AY DI PA PUMAPASOK SAPAGKAT KULANG KA PA NG DALAWANG LINGGO. PINAGMAMASDAN KITA HABANG TUMUTULO ANG UHOG MO SA PAGITAN NG IYONG MGA LABI. LUMAPIT AKO AT PINAHIRAN KO NG SUOT KONG PUTING UNIFORM ANG IYONG ILONG UPANG MAPAWI ANG MALAGKIT MONG SIPON. AT MULA NOON AY TAYO NA ANG MAGKASAMA.
 SABAY TAYONG BUMUO NG PANGARAP HABANG TINATAWID NATIN ANG MGA BAITANG SA MABABANG PAARALAN. USO PA NOON ANG LAB TEAM NINA MANILYN AT KEMPEE. KAPAG TAYO LANG ANG MAGKASAMA AY MASAYA TAYONG NAGKUKUNWARI NA TAYO AY SILA. ANIM NA TAON NATING BINUNO ANG MGA PAGSUBOK SA KLASE KASAMA NA ANG PAGBUBUNOT NG DAMO SA GILID NG PADER NG PRINSIPAL. NGUNIT KINAYA NATIN ANG LAHAT SAPAGKAT TAYO AY MAGKASAMA.

SABAY DIN NATING TINAHAK ANG MGA PAGSUBOK NG MATAAS NA PAARALAN. MARAMI MAN ANG GULO SA PALIGID NATIN DI PA RIN AKO NAWALAN NG PAG-ASA NA TAYO PA RIN KAHIT ANONG MANGYARI. KAHIT NA TUWING UWIAN AY NAGHIHINTAY AKO SA GATE NG PAARALAN KASI SABI MO SABAY TAYONG UUWI, NGUNIT MADALAS AY MAG-ISA AKONG NAGLALAKAD SA KALSADA PATUNGO SA ATING KALYE. NALALAMAN KO NA LANG NA NASA INYO KA NA AT TINATANGGALAN MO NG GARAPATA ANG ASO MONG SI CHUBBY. OKAY LANG SA AKIN IYON DAHIL MAHAL KO RIN SI CHUBBY. KAHIT NA MAGDAMAG KONG TINATAPOS ANG PROJECT MO KASI ANDUN KA SA SAYAWAN SA KABILANG BAYYAN. AYOS LANG IYON DAHIL TUWING BIRTHDAY MO NAMAN AY AKO ANG LAGING UNA MONG TINATAWAGAN. AKO ANG LAGI MONG UNANG BISITA KASI TUTULUNGAN KO PA ANG BOY NYO NA MAG-AYOS NG MGA MESA. 
 DAHIL NGA TAYO AY MAGKASAMA AY NAITAWID DIN NATIN ANG MATAAS NA PAARALAN. AT NOONG BAKASYON PAGKATAPOS NG GRADUATION AY MASAYA NATING PINAG-USAPAN ANG KINABUKASAN. ANG TAYOG NG ATING MGA PANGARAP NGUNIT ALAM NATING MAAABOT NATIN ANG LAHAT BASTA’T DI TAYO MAWAWALAY SA ISA’T ISA.

MARAMING MGA BAGAY ANG DI NATIN SAKLAW. MGA BAGAY NA WALA SA ATING KONTROL. NANG MATANGGAP AKO SA KOLEHIYO SA ISANG KILALANG PAMANTASAN SA MAYNILA AY TUWANG TUWA KONG BINAGTAS ANG DAAN PATUNGO SA INYO. DI KO PA MAN SINASABI SA AKING MGA MAGULANG ANG MAGANDANG BALITA AY IKAW KAGAD ANG AKING PINUNTAHAN. SAPAGKAT SA LAHAT NG NANGYAYARI SA AKIN, IKAW ANG UNANG TAONG GUSTO KONG BAHAGINAN.

PAGDATING KO SA INYO, MALUNGKOT KA. NAWALA ANG SAYA NG DALA KONG BALITA SAPAGKAT MAY LUHA SA IYONG MGA MATA. SABI MO DI KA NATANGGAP SA PAARALANG NAGPADALA SA AKIN NG LIHAM NA NOOÝ HAWAK KO SA AKING MGA PALAD. DI KO NA SINABI SA IYO ANG AKING LAYON SA PAGPUNTA. SABI MO DOON KA NA LANG MAG-AARAL SA PANGGOBYERNONG PAARALAN SA BAYAN. SABI KO NAMAN AY DOON DIN AKO MAG-AARAL DAHIL DI RIN AKO NAKAPASA. HINDI KO NA LANG SINABI SA IYO NA ANG BOBO MO KAYA PATI AKO AY MADADAMAY.

BIHIRA TAYONG MAGKITA SA KOLEHIYO SAPAGKAT MAGKAKAIBA ANG ORAS NG ATING MGA SUBJECT. PERO LAGI TAYONG MAGKASAMANG UMUWI. LAGI TAYONG SABAY UMUWI DAHIL NAKIKISAKAY KA NG LIBRE SA TRAYSIKEL NG AKING PINSAN. AT SA BAWAT SANDALING KASAMA KITA SA ATING PAGBIYAHE PATUNGO SA ATING BAYAN AY RAMDAM KO ANG INIT NG IYONG MGA BRASONG PUMAPASO SA AKING BALAT. NAKAKAPASO ANG INIT DAHIL SIKSIKAN TAYO SA SASAKYAN KASAMA ANG TATLONG KAPATID NG AKING PINSAN AT DALAWANG KAPITBAHAY.
 AT NABUNO NATIN ANG APAT NA TAON SA KOLEHIYO. SA WAKAS AY MALAPIT NA NATING MABUO ANG ATING MGA PANGARAP NA 14 YEARS IN THE MAKING. NAKAKITA AKO NG TRABAHO SA IBAYONG DAGAT DALAWANG BUWAN MATAPOS TAYONG MAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO. AT IKAW AY PINILI MONG MANATILI MUNA SA INYONG BAHAY. OKAY LANG YUN SABI KO DAHIL BAKA GUSTO MO MUNANG MAGPAHINGA. NAIINTINDIHAN KO NA LABING APAT NA TAON NATING BINUNO ANG PAG-AARAL. OKAY DIN SA AKIN NA INABOT NG LIMANG TAON ANG IYONG PAMAMAHINGA.

NAKA-IPON AKO NG PERA SA PAGTRATRABAHO SA BANYAGANG LUPA. INIHANDA KO IYON PARA SA PAGPAPAGAWA NG ATING PALASYO. PAMBILI NG SARILING SASAKYAN. PAGTATAYO NG SARILING NEGOSYO. MULI AY MASAYA KONG IBINALITA SA IYO ANG NAPIPINTO KONG PAG-UWI. SABI MO MASAYA KA AT TAYO’T MULING MAGKIKITA. AT GAYON DIN AKO.
SA AKING PAGBABALIK AY DALA KO ANG ISANG MALAKING KAHON NG PASALUBONG. EXCITED AKO NG BUMABA NG EROPLANO. MAHINAHON KONG HININTAY ANG PAGPARADA NG OWNER NG IYONG TATAY. KALAHATING ORAS AY DI KA PA RIN DUMARATING. OKAY LANG SABI KO DAHIL BAKA TRAPIK SA LANSANGAN. ISANG ORAS AY WALA KA PA RIN. OKAY LANG IYON DAHIL AKO AY SABIK NG MAKITA KANG MULI. MAHAGKAN ANG MATATAMIS MONG LABI. MASULYAPAN ANG IYONG MGA MATANG MAPANG-AKIT. MAHAWAKAN ANG IYONG MALAMBOT NA PALAD. DALAWANG ORAS WALA KA PA RIN. DI NA OKAY DAHIL MASAKIT NA BINTI KO SA KAKAHINTAY KAYA PUMARA NA AKO NG AKING MASASAKYAN.

KAHIT NAGHINTAY AKO SA WALA SA AIRPORT AY UNA KO PA RING TINUNGO ANG INYONG TAHANAN. DIREDIRETSO AKO SA LOOB NG INYONG BAHAY. AT PARANG BINAGSAKAN AKO NG PLANTSA NG IYONG NANAY NG MAKITA KITA. LUMULUHA KA AT PARANG ILANG ARAW KA NG DI NALILIGO. LUMAPIT AKO SA IYO AT DAGLI KITANG IKINULONG SA AKING MGA BISIG. BAHAGYA MO AKONG ITINULAK PALAYO. OKAY LANG SA AKIN IYON DAHIL AMOY DI KA PA NGA NALILIGO. TINANONG KITA KUNG BAKIT. KUNG MERON BA AKONG NAGAWANG MALI. SA ORAS NA IYON AY TUMINGIN KA NG DIRETSO SA AKING MGA MATA. AT HABANG BINIBIGKAS MO ANG IYONG MGA SALITA AY PARANG PANANDALIAN AKONG NABINGI. PARANG PELIKULA.  DAHAN DAHANG GUMAGALAW ANG MGA LABI MO UPANG BIGKASIN ANG BAWAT LETRA. NGUNIT DI KO MARINIG ANG BAWAT SALITANG NAMUMUTAWI SA IYONG MGA LABI. PARA DING SLOW MOTION NA IPINIKIT KO ANG AKING MGA MATA PARA MABASA KO SA LABI MO ANG IYONG MGA SALITA. SABI KO, TEKA LANG AT SUOT KO PA PALA ANG EAR PLUG NA GAMIT KO KANINA SA EROPLANO. AT INULIT MO ANG IYONG MGA PANGUNGUSAP. 

HUMINTO ANG AKING MUNDO. UMIIKOT ANG AKING PANINGIN. BUMILIS ANG PINTIG NG AKING PUSO. AT PILIT KONG HINUHUGOT ANG BAWAT PAGHINGA. NANLALAMIG ANG AKING MGA PAWIS AT DI KO MAIGALAW ANG AKING KATAWAN. NGUNIT PATULOY NA TUMATAKBO ANG AKING ISIP. MARAMING ALAALA ANG NAGFLASHBACK SA LIKOD NG AKING MGA MATA, IN BLACK AND WHITE. AT SA LAHAT NG MGA ALAALA, IISA LANG ANG PATULOY KONG SINABI SA AKING SARILI. DAPAT TALAGA KONTI-KONTI LANG AKO SA EXTRA RICE. HIGHBLOOD NA YATA AKO.

SA LIMANG TAON NG AKING PAGTITIIS SA PAGTRATRABAHO SA IBANG BAYAN AY ETO AT BUNTIS KA. DI AKO NANIWALA NG SABIHIN MONG NASAPIAN KA NG KAPRE KAYA KA NABUNTIS. TULUYAN NA AKONG TUMALIKOD AT TINAHAK ANG DAAN PALABAS SA INYO. NGUNIT BIGLA AKONG NAPAHINTO NG SUMIGAW KA NG “HINTAY”. DI NA KITA HINARAP NGUNIT HININTAY KO RIN ANG IBA PANG KASINUNGALINGANG IYONG TATAHIIN. SABI MO, “ASAN ANG PASALUBONG KO?” DAHAN DAHAN AKONG HUMARAP SA IYO AT SINABI KO, “ANO KA HILO? IBIBIGAY KO NA LANG SA KAPITBAHAY YUNG LIMANG KILONG GINTONG DALA KO AT IPAMAMAHAGI SA KAWANG GAWA ANG SAMPUNG MILYONG NAIPON KO.” KUNYARI LANG YON DAHIL, GUSTO LANG KITANG INGGITIN AT PAGSISIHIN. WALA TALAGA AKONG DALANG GINTO AT KONTI LANG ANG PERA KO.
AT DAGLI KONG NILISAN ANG MALA-IMPYERNO NYONG TAHANAN SA SQUATTER’S AREA. MULA NOON AY DI KO NA GINUSTONG MAKITA KA.

NGUNIT BAKIT HANGGANG NGAYON AY DI KO PA RIN MAINTINDIHAN KUNG BAKIT DI KA NAKAPAGHINTAY. WALA NAMAN AKONG NAPANSING SENYALES  SIMULA NOONG KINDER TAYO NA MANGYAYARI ITO.

OKAY NA AKO NGAYON AFTER 20 YEARS DAHIL KASAMA KO NAMAN ANG ASO KONG PINANGALANAN KONG CAPRI.

WAKAS.

BAKA MAY MAGREACT SA PINAS:

ANG MGA PANGYAYARING INILAHAD AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG. ANUMANG PAGKAKAHALINTULAD NG MGA PANGALAN AY DI SINASADYA: TULAD NG CHUBBY, KUNG TINAMAAN KA MAG-DIET KA NA LANG. 

WALANG SINAPIAN NG KAPRE AT WALA RING NABUNTIS. WALANG RING NILALANG NA NAGSAMANTALA SA AKING KABAITAN DAHIL IN THE FIRST PLACE AY DI AKO MABAIT. WALA RIN AKONG NAGING KAKLASE MULA ELEMENTARY HANGGANG COLLEGE. WALA RIN AKONG NAGING KA-LOVE TEAM NOONG ELEMENTARY. WALA RIN AKONG ASO AT HIGIT SA LAHAT HINDI PA AKO 46 YEARS OLD.

7 YEARS OLD PAGPASOK NG GRADE 1
6 YEARS ANG ELEMENTARY
4 YEARS ANG HIGH SCHOOL
4 YEARS ANG COLLEGE
5 YEARS ANG PINAGTRABAHO SA ABROAD
20 YEARS BAGO NAKA-MOVE ON
TOTAL OF 46 YEARS, KAYA DI TOTOO ITO DAHIL 21 PA LANG AKO.

IISA LANG ANG TOTOO. ANG HINDI SYA NAKAPAGHINTAY.

No comments:

Post a Comment