ILANG TAO NA BA ANG DUMATING SA BUHAY MO NA SA UNANG KITA PA LANG AY GUSTO MO NA SYA? MARAMI NA DIBA?
UNANG TINGIN PA LANG, NASABI MO NA SA SARILI MO NA MAGKAKASUNDO KAYO. ILANG PANGUNGUSAP PA LANG AT LAGAY NA ANG LOOB MO. MINSAN AMOY PA LANG NG COLOGNE AY TRIP MO NA KAGAD. O KAYA NAMAN, DAHIL SA SUOT NA DAMIT, FEELING MO MAGIGING BESTFRIENDS NA KAYO FOR LIFE. O DI NAMAN KAYA AY SA TATAK NG GAMIT NA DALA, NA-IMAGINE MO NA KAGAD NA KAYO ANG ITINADHANA.
MARAMI NA NGA SILA DIBA?
ILANG TAO NA RIN BA ANG DUMATING SA BUHAY MO NA SA UNANG PAGKAKATAON PA LANG AY AYAW MO NA SA KANYA? MARAMI NA RIN SILA.
UNANG TINGIN PA LANG NAKUMBINSE KA NA KAGAD NA DI KAYO MAGKAKASUNDO.
ILANG PANGUNGUSAP PA LANG AY NAKAPAGDESISIYON KA NANG DI KAYO BAGAY.
PAWISAN LANG, NAHUSGAHAN MO KAGAD NA BURARA KAYA DI KAYO MAGTATAGAL.
DI LANG USO ANG SUOT NYA THE FIRST TIME AYAW MO NA SYANG MAKITA ULIT.
PERO SA MGA TAONG NAKUHA KA SA FIRST IMPRESSION, ILAN SA KANILA ANG BAHAGI PA RIN NG BUHAY MO HANGGANG NGAYON? ILAN SA KANILA ANG NAGTAGAL?
ILAN ANG PAULIT-ULIT KANG SINAKTAN?
HINDI GANYANG PANANAKIT, GANITO LANG. BRUTAL KA NAMAN E.
DAHIL LANG BA SA MALI ANG HILATSA NG PAGMUMUKHA?
DAHIL LANG BA SA HINDI KAYANG BUMILI NG TAWAS?
DAHIL LANG BA SA MAS MAHAL NYA ANG SARILING SALITA?
DAHIL LANG BA SA MAS MINABUTI NYANG IBIGAY SA KAPWANG NANGANGAILANGAN ANG PERA KESA IBILI NG MAMAHALING DAMIT?
DAHIL LANG BA SA HINDI SYA NAKAPAGSUKLAY SINCE YESTERDAY?
DAHIL LANG BA SA PABORITO NYANG MERYENDA AY SIBUYAS?
DAHIL LANG BA SA MGA MUMUNTING MGA FLAWS NA ITO AY DI NA NATIN BIBIGYAN NG CHANCE ANG MAARING ISANG WAGAS NA PAGSASAMAHAN.
DAHIL LANG BA SA MADALIANG PANGHUHUSGA AY PAKAKAWALAN NATIN ANG TAONG BUBUO SANA SA ATIN?
DAHIL SA AYAW DIN NATING HUSGAHAN TAYO NG MGA KAIBIGAN, KAPITBAHAY, KABABAYAN, KA-WORLD, AT KA-GALAXY NATIN AY HAHAYAAN NA LANG NATING HINDI MARAMDAMAN ANG HAPLOS NG TAONG TUNAY NA MAGMAMAHAL, MAKAKAUNAWA, AT MAGPAPAUBAYA SA ATING MGA PANG-AABUSO? (OO KILALA KITA, ABUSADO KA.)
BAKIT DI NATIN BIGYAN ANG SARILI NATIN NG CHANCE NA MAKILALA ANG MGA TAONG AKALA NATIN AY DI BAGAY SA ATIN. SILA BILANG HAMPAS-LUPA AT TAYO BILANG MGA TAGA ALTA SA CIUDAD. SILA BILANG MGA NERD AT TAYO BILANG MGA COOL.
OO AKO NA ANG LANGIT AT IKAW ANG LUPA. AKO NA ANG CUTE IKAW NA ANG PANGIT. ANG PINUPUNTO KO LANG NAMAN AY BAKIT DI NATIN BUKSAN ANG ATING PANG-UNAWA SA MGA POSIBILIDAD NG BUHAY. BAKIT DI NATIN IMULAT ANG ATING MGA MATA AT BAKA MAKITA NATIN NA MAY MAS MALAWAK PA PALANG MUNDO NA PWEDE NATING GALAWAN. WHO KNOWS, BAKA YUNG TAONG DI MO INAASAHAN ANG SYA PALANG SOULMATE MO. YUN NGA LANG NAIPIT SA PINTO NG LANGIT ANG SOUL NYA KAYA NA-DISFIGURE AT NAG-REFLECT SA PISIKAL NYANG KAANYUAN.
ON A MORE SERIOUS NOTE, PERSONALY, I HAVE MET A LOT OF FRIENDS WHOM I WOULDN'T EVEN THOUGHT OF TALKING TO IF I HAVE MET THEM IN MY YOUNGER DAYS. FRIENDS WHO HAVE NEVER LEFT MY SIDE NO MATTER WHAT. FRIENDS WHO WILL FIGHT WITH ME IF NEED TO.
(MUSTA NGA PALA SA BARKADA KO DYAN SA CUBAO. UNG MGA KAIBIGAN KO DYAN NA WALANG KAPAGURANG NAGHAHANAP NG KLIYENTE SA DILIM. UNG BAKAL BOYS, MUSTA ANG KITA. KITA KITS SA BAKASYON KO. SAGOT NYO AND INOM HA.)
PAIN AND BEING ALONE HAS TAUGHT ME TO BE MORE APPRECIATIVE OF PEOPLE'S DIFFERENCES.
OPEN YOUR HEART AND YOU MIGHT FIND PEOPLE WORTH MORE THAN ANYTHING.
DUN SA NAGTATANONG KUNG BAKIT HIRAM NA SANDALI ANG TITULO, ETO ANG KASAGUTAN:
MAY TRABAHO KAYA AKO. BAYAD OVERTIME KO. KAYA HIRAM LANG ANG MGA SANDALING SINULAT KO ITO. OKAY NA? WE'RE COOL? GOOD
million thanks for sometimes "hinihiram ko yung iyung sandali" It doesn't matter if our conversations sound weird for other but our closeness that matters! I felt blessed to be your friend <3
ReplyDelete@Anonymous: Well at first nag-iisip ako kung sino ka dahil maraming humihiram nga aking sandali. but then sabi me you're one of my friends and I only have like 3 so that narrows it down. hahaha.....
ReplyDeletei never thought you have such brilliant idea like this when it comes to friends.. thanks for counting me in! *hope so* :D it's me blower queen hahaha..
ReplyDelete@Blower Queen: Dati hindi, but since nag-comment ka na, Best Firends na tayo.
ReplyDelete