Why do we always desire what we cannot have?
Sa larong kung tawagin ay pag-ibig, maraming tao ay ang tanging hangad ay makakita ng someone out there over the rainbow na makakasama for the rest of their lives and live happily ever after. Nag-iimagine, habang nagtatanim ng palay sa kabukiran
na one day ay masaya silang maghahabulan sa ilalim ng liwanag ng buwan habang nakikipagtaguan sa mga lamok.
Or nag-iimagine na nagsusubuan sila ng manggang hilaw na isinawsaw sa suka sa gitna ng luntiang talahiban. Habang sila ay sinasaliwan ng lagaslas ng tubig sa batis at ng iyak ng mga kalabaw sa lubluban. At ang bawat dahon ng talahib ay sumsayaw sa awit ng mga ibon at ang hangin ay malamyos na hinaphaplos ang kanilang balat. At ang lahat ng ito ay in SLOW MOTION.Oo, para lang silang high sa katol.
Marami rin ang ginagawang carreer ang pagpalit ng syota. To say na para silang nagpapalit ng damit is an understatement. More like, para lang silang nagpapalit ng tissue na ipinahid sa sipon.
Kakarimarim kayang paulit-ulit na gamitin ang basang-basang tissue. Try mo!
Pero meron din naming ilan na ang trip sa buhay ay ang mang-agaw ng syota o asawa ng iba.
Litrato Mula sa FB ni Michelle Pomarejos |
Para bang mas may thrill kapag kinakalantari mo ang syota ng kaibigan mo habang nakatalikod sya. At kapag lasing na ay kayo ang magkatabing magigising sa umaga.
At parang mas lalong masarap kapag alam mong may asawa na, pero nagawa mo pa ring makumbinse sya na sumama sayo kahit sa ilang hiram na sandali.
O kaya naman ay alam mong may gusto ang kaibigan mo sa isang tao kaya pasikreto mong inuunahan syang maka-first base. Bonus na kapag lumampas sa first base at naka-home run.
Para bang napaka-fulfilling kung magtagumpay ka at makamit ang bagay na hindi naman sa iyo.
Pero, bakit kapag na sa iyo na, bigla ka na lang mawawalan ng interes. Pilit iiwasan at kung di naka-iwas ay magprepretend na bigla kang naging autistic. Tulo pa ang laway to make it more convincing. O kaya kapag nakorner ka nya sa mall at tinanong ka kung bakit di mo sya napansin e biglang lumabo ang iyong mata kaya pasensya at your actually on your way to the optical shop.
Oo. Life is unfair. Kaya sorry sa mga naagawan because some of us desire what we cannot have. And we sometime do get what we desire even when we know that we must not. Ok, I’m lying; we almost always get what we desire.
Ikaw anong character ang ginagampanan mo sa larong kung tawagin ay pag-ibig?
No comments:
Post a Comment